Monday, November 10, 2008

Iloilo Day 1 - October 29, 2008

Our day started at 4:45am.

Woke up, fixed ourselves and woke up the kids para makahabol sa check-in. I'm a stickler to time, especially when it comes to checking-in. Baka masaraduhan ka eh, hehe. Plus I have 2 kids in tow. So medyo magulo.

Sa NAIA 3 kami nag-check in and dun ko lang na-realize big time na matagal na akong hindi naglalakbay. (lalim, anoh?!) Dun ko lang na-appreciate yung early check in pero bonggang-bongga paghihintay yan not to mention the looonngg walk. The gate that we entered, haba na ng pila. Kasi ipapasok mo pa sa xray machine nila ang mga bagahe mo plus your hand carry. After that, derecho na kami sa Air Philippines Check-in counter. Prior to this pala, my dad told us to bring extra food kasi baka ma-delay ang flight namin. Kasi my dad has the same flight schedule but it was delayed for 4 hours. Naku, mega handa ako at baka nga magkatotoo. At lagot talaga sila kapag nangyari yun!

While on the line, syempre, si Little Boy, takbo dito, takbo dun. Maya-maya may naamoy akong di-kanais-nais. Ayos, may laman ang diaper! Sabi ko sa waiting area na tayo magpalit para okay na. After namin mag-check-in, pay kami ng terminal fee and the long walk begins.

After the terminal fee, may last xray booth kaming papasukin and isama mo sa xray booth and mga shoes. Buti na lang when I go on flights naka-sandals or slippers ako kaya madali. Hubby naman is thankful that he wore his crocs and not his rubber shoes. Same with the kids. After the last x-ray, off we went to the waiting area. Sus! Sa baba pa sya!

Pagbaba namin sa waiting area, agad-agad akong pumunta ng CR para palitan nga si little boy eh kaso hindi baby-friendly ang CR ng airport - walang diaper changing station. Kaya lumayo kami sa mga tao ant nag-occupy ng vacant seats para mapalitan ang maliit. After namin palitan we waited a few minutes more then it was announced that we can board the plane. May advantage pala pag bitbit mo ang mga kids kasi mauuna ka mag-board along with the senior citizens. We boarded a shuttle kasi ang layo pala nung eroplano! Hehe. We couldn't take pictures during that time kasi ang photographer ay nanay muna. Kaya sa loob na ng eroplano kami nag-picturan. In the middle of the flight, the little boy dozed off until we landed at Iloilo. We arrived there sometime 830ish. Ang ganda na ng airport ng Iloilo, malaki pa! Pero mabilis kasi yung baggage claim area malapit na sa exit, so nakuha na namin ang bags namin and we got out easily and saw my cousin who fetched us and brought us to my uncle's house where my dad is waiting.

Pagdating namin dun, wala pa yun uncle ko kasi nasa therapy session pa sya. Kaya we settled muna and rested for a moment before they arrived. Pagdating ng uncle ko, iba talaga na ang mukha nya - pumayat talaga. Then for lunch, my dad and hubby went out to buy lunch (kaya dito pumasok ang pagiging Inday ko). Nakatulog ulit si little boy at sa pagod ko din, sinamahan ko. Kaya tuloy late ako nakapag-lunch. After lunch sumama ako sa Auntie ko para bumili ng milk ni little boy at iba pang kailangan for dinner. Pagbalik namin and since maaga pa naman, na-idlip muna kami.

Pag dating ng dinner, nagluto kami ng pasta and we prepare a salad with salmon and bacon bits. Tuwang-tuwa ang tatay ko kasi for the first time daw, may matino daw silang kinain, hehe! We ended the day at 10pm with me finishing all the dishes and cleaned up the kitchen at the same time thinking what would be our breakfast for the second day.

No comments: